Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “‘Kung tungkol sa kaluluwa na bumabaling sa mga espiritista+ at sa mga manghuhula+ ng mga pangyayari upang magkaroon ng imoral na pakikipagtalik sa kanila, itatalaga ko nga ang aking mukha laban sa kaluluwang iyon at lilipulin ko siya mula sa kaniyang bayan.+

  • Deuteronomio 18:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 o ang isa na nanggagayuma sa iba sa pamamagitan ng engkanto+ o ang sinumang sumasangguni sa espiritista+ o ang manghuhula ng mga pangyayari+ o ang sinumang sumasangguni sa patay.+

  • 1 Samuel 28:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Nang dakong huli ay sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod: “Ihanap ninyo ako ng isang babae na dalubhasang espiritista,+ at paroroon ako sa kaniya at sasangguni sa kaniya.” Nang magkagayon ay sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod: “Narito! May isang babae na dalubhasang espiritista sa En-dor.”+

  • 1 Cronica 10:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sa gayon ay namatay si Saul dahil sa kaniyang kawalang-katapatan+ na ginawa niya sa kawalang-pananampalataya laban kay Jehova may kinalaman sa salita ni Jehova na hindi niya iningatan at dahil din sa paghiling niya sa isang espiritista+ upang sumangguni.

  • 2 Cronica 33:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At pinaraan niya mismo sa apoy+ ang sarili niyang mga anak sa libis ng anak ni Hinom,+ at nagsagawa ng mahika+ at gumamit ng panghuhula+ at nagsagawa ng panggagaway+ at nag-atas ng mga espiritista+ at ng mga manghuhula+ ng mga pangyayari. Ginawa niya nang malawakan ang masama sa paningin ni Jehova, upang galitin siya.+

  • Isaias 8:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista+ o sa mga may espiritu ng panghuhula na humuhuni+ at nagsasalita nang pabulong,” hindi ba sa Diyos nito dapat sumangguni ang alinmang bayan?+ [Dapat bang sumangguni] sa mga patay para sa mga buháy?+

  • Galacia 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo,+ mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta,

  • Apocalipsis 21:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ngunit kung tungkol sa mga duwag at sa mga walang pananampalataya+ at sa mga kasuklam-suklam sa kanilang karumihan+ at sa mga mamamaslang+ at sa mga mapakiapid+ at sa mga nagsasagawa ng espiritismo at sa mga mananamba sa idolo+ at sa lahat ng sinungaling,+ ang kanilang magiging bahagi ay sa lawa na nagniningas sa apoy+ at asupre.+ Ito ay nangangahulugan ng ikalawang kamatayan.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share