Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 22:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ngayon ay pumarito ka, pakisuyo; sumpain+ mo ang bayang ito para sa akin, sapagkat mas makapangyarihan sila kaysa sa akin. Marahil ay masasaktan ko sila at mapalalayas ko sila sa lupain; sapagkat alam kong lubos na ang sinumang pagpalain mo ay siyang pinagpapala at ang sinumang sumpain mo ay isinusumpa.”+

  • Bilang 23:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Nang magkagayon ay sinambit niya ang kaniyang kasabihan+ at sinabi:

      “Mula sa Aram+ ay sinikap akong dalhin ni Balak na hari ng Moab,

      Mula sa mga bundok sa silangan:

      ‘Pumarito ka, sumpain mo ang Jacob para sa akin.

      Oo, pumarito ka, tuligsain mo ang Israel.’+

  • Bilang 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil dito ay sinabi ni Balak kay Balaam: “Ano ang ginawa mo sa akin? Dinala kita upang sumpain ang aking mga kaaway, at narito, pinagpala mo sila nang lubusan.”+

  • Bilang 24:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil dito ay lumagablab ang galit ni Balak laban kay Balaam at ipinalakpak niya ang kaniyang mga kamay,+ at sinabi ni Balak kay Balaam: “Tinawag kita upang sumpain+ ang aking mga kaaway, at, narito! pinagpala mo sila nang lubusan nitong tatlong ulit.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share