-
Isaias 31:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Kung paanong ang leon ay umuungol, ang may-kilíng na batang leon nga,+ dahil sa kaniyang nasila, kapag tinawag laban sa kaniya ang hustong bilang ng mga pastol, at sa kabila ng kanilang tinig ay hindi siya masisindak at sa kabila ng kanilang kaguluhan ay hindi siya yuyuko; sa gayunding paraan ay bababa si Jehova ng mga hukbo upang makipagdigma dahil sa Bundok Sion at dahil sa kaniyang burol.+
-
-
Mikas 5:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, ang mga nalalabi sa Jacob ay magiging tulad ng isang leon sa gitna ng mga hayop sa kagubatan, tulad ng isang may-kilíng na batang leon sa gitna ng mga kawan ng mga tupa, na kapag dumaraan ito ay kapuwa nanyuyurak at nanluluray;+ at wala ngang tagapagligtas.
-