3 “‘Kung ang kaniyang handog ay handog na sinusunog+ mula sa bakahan, isang lalaki, yaong malusog,+ ang ihahandog niya. Sa pasukan ng tolda ng kapisanan ay ihahandog niya iyon nang kusang-loob sa harap ni Jehova.+
19 At ihahandog ninyo bilang handog na pinaraan sa apoy, na handog na sinusunog+ para kay Jehova, ang dalawang guyang toro at isang barakong tupa at pitong lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang.+ Ang mga iyon ay dapat na malulusog sa inyo.+