7 Sumpain ang kanilang galit,+ sapagkat iyon ay malupit,+ at ang kanilang poot, sapagkat iyon ay kumikilos nang may kabagsikan.+ Paghahati-hatiin ko sila sa Jacob at pangangalatin ko sila sa Israel.+
32 “‘Kung tungkol sa mga lunsod ng mga Levita na may mga bahay sa mga lunsod na kanilang pag-aari,+ ang karapatang tumubos ay mananatili hanggang sa panahong walang takda para sa mga Levita.+
18“Walang bahagi o mana kasama ng Israel ang mauukol sa mga saserdote, na mga Levita, ang buong tribo ni Levi.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, na kaniyang mana, ang dapat nilang kainin.+
4 Sapagkat ang mga anak ni Jose ay naging dalawang tribo,+ ang Manases+ at ang Efraim;+ at hindi nila binigyan ng bahagi sa lupain ang mga Levita, maliban sa mga lunsod+ na tatahanan at sa mga pastulan ng mga ito para sa kanilang mga alagang hayop at sa kanilang mga ari-arian.+
2 at nagsalita sila sa mga ito sa Shilo+ sa lupain ng Canaan, na sinasabi: “Si Jehova ay nag-utos sa pamamagitan ni Moises na bigyan kami ng mga lunsod na matatahanan, kasama ang kanilang mga pastulan para sa aming mga alagang hayop.”+