Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 35:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang mga lunsod na ibibigay ninyo, ang anim na kanlungang lunsod, ay nakalaan para sa inyo.

  • Josue 20:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Magbigay kayo para sa inyo ng mga kanlungang lunsod+ na sinalita ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises,

  • Josue 20:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa gayon ay binigyan nila ng sagradong katayuan ang Kedes+ sa Galilea sa bulubunduking pook ng Neptali, at ang Sikem+ sa bulubunduking pook ng Efraim, at ang Kiriat-arba,+ na siyang Hebron, sa bulubunduking pook ng Juda.

  • Josue 20:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At sa pook ng Jordan, sa may Jerico, sa dakong silangan ay ibinigay nila ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas mula sa tribo ni Ruben,+ at ang Ramot+ sa Gilead mula sa tribo ni Gad, at ang Golan+ sa Basan mula sa tribo ni Manases.

  • Josue 21:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang kanlungang lunsod+ para sa mamamatay-tao,+ samakatuwid nga, ang Hebron,+ at ang pastulan nito, gayundin ang Libna+ at ang pastulan nito,

  • Josue 21:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sa gayon ay ibinigay nila sa kanila ang kanlungang lunsod+ para sa mamamatay-tao,+ samakatuwid nga, ang Sikem,+ at ang pastulan+ nito sa bulubunduking pook ng Efraim, at ang Gezer+ at ang pastulan nito,

  • Josue 21:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At sa mga anak ni Gerson,+ mula sa mga pamilya ng mga Levita, ay napunta mula sa kalahati ng tribo ni Manases+ ang kanlungang lunsod para sa mamamatay-tao, samakatuwid nga, ang Golan,+ na nasa Basan, at ang pastulan nito, at ang Beestera+ at ang pastulan nito; dalawang lunsod.

  • Josue 21:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At mula sa tribo ni Neptali,+ ang kanlungang lunsod+ para sa mamamatay-tao,+ samakatuwid nga, ang Kedes+ sa Galilea, at ang pastulan nito, at ang Hamot-dor+ at ang pastulan nito, at ang Kartan at ang pastulan nito; tatlong lunsod.

  • Josue 21:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 At mula sa tribo ni Ruben,+ ang Bezer+ at ang pastulan nito, at ang Jahaz+ at ang pastulan nito,

  • Josue 21:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 At mula sa tribo ni Gad,+ ang kanlungang lunsod para sa mamamatay-tao, samakatuwid nga, ang Ramot sa Gilead,+ at ang pastulan nito, at ang Mahanaim+ at ang pastulan nito,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share