23 At kinuha ni Aaron si Elisheba, na anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Nason,+ bilang kaniyang asawa. Nang maglaon ay ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abihu, si Eleazar at si Itamar.+
4 Gayunman, si Nadab at si Abihu ay namatay sa harap ni Jehova nang maghandog sila ng kakaibang apoy+ sa harap ni Jehova sa ilang ng Sinai; at hindi sila nagkaroon ng anak. Ngunit si Eleazar+ at si Itamar+ ay nagpatuloy na maglingkod bilang mga saserdote na kasama ni Aaron na kanilang ama.
33 Ito ang paglilingkod ng mga pamilya ng mga anak ni Merari+ ayon sa lahat ng kanilang paglilingkod sa tolda ng kapisanan, sa ilalim ng kamay ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.”+
8 at apat na karwahe at walong baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang paglilingkod,+ sa ilalim ng kamay ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.+