16 At gagawin kong tulad ng mga butil ng alabok sa lupa ang iyong binhi, anupat, kung mabibilang ng tao ang mga butil ng alabok sa lupa, kung gayon ay matutuos ang dami ng iyong binhi.+
17 tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang iyong binhi tulad ng mga bituin sa langit at tulad ng mga butil ng buhangin na nasa baybay-dagat;+ at aariin ng iyong binhi ang pintuang-daan ng kaniyang mga kaaway.+
3 At sinabi niya: “Ako ang tunay na Diyos,+ ang Diyos ng iyong ama.+ Huwag kang matakot na bumaba sa Ehipto, sapagkat doon ay gagawin kitang isang dakilang bansa.+
37 At ang mga anak ni Israel ay lumisan mula sa Rameses+ patungo sa Sucot,+ na may bilang na anim na raang libong matitipunong lalaki na naglalakad, bukod pa sa maliliit na bata.+
26 Ang kalahating siklo para sa isang tao ay kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng dakong banal, para sa bawat lalaki na dumaraan patungo sa mga rehistrado mula dalawampung taon ang edad pataas,+ na umabot sa anim na raan at tatlong libo limang daan at limampu.+
32 Ito ang mga rehistrado sa mga anak ni Israel ayon sa sambahayan ng kanilang mga ama; ang lahat ng rehistrado sa mga kampo sa kanilang mga hukbo ay anim na raan at tatlong libo limang daan at limampu.+