15 At magsasalita ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita;+ at ako mismo ay sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig,+ at ituturo ko sa inyo kung ano ang gagawin ninyo.+
20 At si Miriam na propetisa, na kapatid ni Aaron,+ ay tumangan ng isang tamburin sa kaniyang kamay;+ at ang lahat ng mga babae ay nagpasimulang lumabas na kasama niya na may mga tamburin at nagsasayawan.+
30 At ilalagay mo ang Urim+ at ang Tumim sa pektoral ng paghatol, at ang mga iyon ay ilalagay sa tapat ng puso ni Aaron kapag pumaparoon siya sa harap ni Jehova; at laging dadalhin ni Aaron sa tapat ng kaniyang puso ang mga kahatulan+ sa mga anak ni Israel sa harap ni Jehova.
4 Sapagkat iniahon kita mula sa lupain ng Ehipto,+ at mula sa bahay ng mga alipin ay tinubos kita;+ at isinugo ko sa unahan mo si Moises, si Aaron at si Miriam.+