Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 26:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Karagdagan pa, gumawa siya sa Jerusalem ng mga makinang pandigma, na likha ng mga inhinyero, upang ang mga iyon ay malagay sa mga tore+ at sa mga panulukan, upang magpahilagpos ng mga palaso at malalaking bato. Dahil dito ay lumaganap ang kaniyang kabantugan+ hanggang sa malayo, sapagkat natulungan siya sa kamangha-manghang paraan hanggang sa siya ay lumakas.

  • Eclesiastes 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 May isang maliit na lunsod, at ang mga lalaki roon ay kakaunti; at doon ay may pumaroong isang dakilang hari, at pinalibutan niya iyon at nagtayo ng malalaking moog+ laban doon.

  • Isaias 37:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “ ‘Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa hari ng Asirya:+ “Hindi siya papasok sa lunsod na ito,+ ni magpapahilagpos man siya roon ng palaso, ni haharapin man iyon nang may kalasag, ni magtitindig man ng muralyang pangubkob laban doon.” ’+

  • Jeremias 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Pumutol kayo ng kahoy+ at itindig ninyo laban sa Jerusalem ang isang muralyang pangubkob.+ Siya ang lunsod na hihingan ng pagsusulit.+ Siya ay walang iba kundi paniniil lamang sa gitna niya.+

  • Ezekiel 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At sa pamamagitan ng isang malaking hukbong militar at sa pamamagitan ng isang malaking kongregasyon ay hindi siya pananaigin ni Paraon sa digmaan,+ sa pamamagitan ng pagtitindig ng muralyang pangubkob at sa pamamagitan ng pagtatayo ng pader na pangubkob, upang lumipol ng maraming kaluluwa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share