2 At tiyak na pababayaan sila sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at tatalunin mo sila.+ Walang pagsalang itatalaga mo sila sa pagkapuksa.+ Huwag kang makikipagtipan sa kanila ni magpapakita ka man sa kanila ng anumang lingap.+
23 At pababayaan nga sila sa iyo ni Jehova na iyong Diyos at pagwawatak-watakin niya sila sa isang matinding pagkakawatak-watak, hanggang sa malipol sila.+