29Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ni Jehova kay Moises na ipakipagtipan sa mga anak ni Israel sa lupain ng Moab bukod pa sa tipan na ipinakipagtipan niya sa kanila sa Horeb.+
29 “Ang mga bagay na nakakubli+ ay nauukol kay Jehova na ating Diyos, ngunit ang mga bagay na isiniwalat+ ay nauukol sa atin at sa ating mga anak hanggang sa panahong walang takda, upang matupad natin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.+