15 kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ‘Narito, sila, samakatuwid nga, ang bayang ito, ay pakakainin ko ng ahenho,+ at paiinumin ko sila ng tubig na may lason;+
4 “Sila ay nagsasalita ng mga salita, sumusumpa ng mga kabulaanan,+ nakikipagtipan;+ at ang kahatulan ay sumibol na gaya ng nakalalasong halaman sa mga tudling ng malawak na parang.+
12 “ ‘Sa ibabaw ba ng malaking bato ay tatakbo ang mga kabayo, o mag-aararo ba roon ang isa sa pamamagitan ng mga baka? Sapagkat ginawa ninyong nakalalasong halaman ang katarungan,+ at ahenho ang bunga ng katuwiran,
15 na maingat na nagbabantay na walang sinuman ang mapagkaitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos;+ upang walang ugat na nakalalason+ ang sumibol at lumikha ng kaguluhan at upang hindi nito madungisan ang marami;+