9 At ito ay magsisilbing tanda para sa iyo sa iyong kamay at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata,+ upang ang kautusan ni Jehova ay sumaiyong bibig;+ sapagkat sa pamamagitan ng malakas na kamay ay inilabas ka ni Jehova mula sa Ehipto.+
16 At ito ay magsisilbing tanda sa iyong kamay at pangharap na pamigkis sa pagitan ng iyong mga mata,+ sapagkat sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ni Jehova mula sa Ehipto.”+
18 “At ituon ninyo ang mga salita kong ito sa inyong puso+ at sa inyong kaluluwa at itali ninyo iyon bilang tanda sa inyong kamay, at iyon ay magiging pangharap na pamigkis sa pagitan ng inyong mga mata.+