-
Deuteronomio 12:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At mangyayari nga na sa dakong+ pipiliin ni Jehova na inyong Diyos upang doon patahanin ang kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat niyaong iniuutos ko sa inyo, ang inyong mga handog na sinusunog+ at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasampung bahagi+ at ang abuloy+ ng inyong kamay at lahat ng pili mula sa inyong mga panatang+ handog na ipananata ninyo kay Jehova.
-
-
Deuteronomio 14:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 At sa harap ni Jehova na iyong Diyos, sa dakong pipiliin niya upang doon patahanin ang kaniyang pangalan, ay kainin mo ang ikasampung bahagi ng iyong butil,+ ng iyong bagong alak at ng iyong langis at ang mga panganay ng iyong bakahan at ng iyong kawan;+ upang matuto kang laging matakot kay Jehova na iyong Diyos.+
-