27 “At isusugo ko ang pagkatakot sa akin sa unahan mo,+ at lilituhin ko nga ang lahat ng bayan na iyong paroroonan, at ibibigay ko sa iyo ang batok ng lahat ng iyong mga kaaway.+
25 Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay ang panghihilakbot sa iyo at ang pagkatakot sa iyo sa harap ng mga bayan sa silong ng buong langit, na makaririnig ng ulat tungkol sa iyo; at sila nga ay maliligalig at magkakaroon ng mga kirot na tulad ng sa panganganak dahil sa iyo.’+