11 At pipili kayo ng mga lunsod na kumbinyente para sa inyo. Ang mga iyon ay magsisilbing mga kanlungang lunsod para sa inyo, at ang mamamatay-tao na nakapatay ng isang kaluluwa nang di-sinasadya ay tatakas patungo roon.+
15 Ang anim na lunsod na ito ang magiging kanlungan para sa mga anak ni Israel at para sa naninirahang dayuhan+ at para sa nakikipamayan sa gitna nila, upang makatakas patungo roon ang sinumang nakapatay ng isang kaluluwa nang di-sinasadya.+