-
Deuteronomio 4:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “Bantayan mo lamang ang iyong sarili at ingatan mong mabuti ang iyong kaluluwa,+ upang hindi mo makalimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata+ at upang hindi mahiwalay ang mga iyon sa iyong puso sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;+ at ipaaalam mo ang mga iyon sa iyong mga anak at sa iyong mga apo,+
-
-
Josue 10:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At nangyari nga na habang tumatakas sila mula sa harap ng Israel at nasa dakong palusong sa Bet-horon, si Jehova ay nagpabagsak sa kanila ng malalaking bato+ mula sa langit hanggang sa Azeka, anupat namatay sila. Mas marami ang namatay sa mga batong graniso kaysa sa mga napatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
-
-
Josue 10:40Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
40 At sinaktan ni Josue ang buong lupain ng bulubunduking pook+ at ang Negeb+ at ang Sepela+ at ang mga dalisdis+ at ang lahat ng kanilang mga hari. Hindi siya nag-iwan ng isa mang buháy, at ang lahat ng bagay na humihinga+ ay itinalaga niya sa pagkapuksa,+ gaya ng iniutos ni Jehova na Diyos ng Israel.+
-