21 Mag-ingat ka dahil sa kaniya at sundin mo ang kaniyang tinig. Huwag kang gumawi nang mapaghimagsik laban sa kaniya, sapagkat hindi niya pagpapaumanhinan ang inyong pagsalansang;+ sapagkat ang aking pangalan ay nasa kaniya.
35 “‘“Akong si Jehova ang nagsalita kung hindi nga ito ang gagawin ko sa buong masamang kapulungang ito,+ yaong mga nagtitipon laban sa akin: Sa ilang na ito ay sasapit sila sa kanilang kawakasan, at doon sila mamamatay.+
14 At iyan ang dahilan kung bakit ako sumusumpa sa sambahayan ni Eli na ang kamalian ng sambahayan ni Eli ay hindi makaliligtas sa kaparusahan sa pamamagitan ng hain o sa pamamagitan man ng handog hanggang sa panahong walang takda.”+
9 alam ni Jehova kung paano magligtas ng mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok,+ at magtaan naman ng mga taong di-matuwid upang lipulin sa araw ng paghuhukom,+