-
Josue 6:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sa gayon ay sumigaw ang bayan, nang hipan nila ang mga tambuli.+ At nangyari nga, nang marinig ng bayan ang tunog ng tambuli at ang bayan ay magsimulang sumigaw ng isang malakas na hiyaw ng digmaan, ang pader ay nagsimulang bumagsak nang latág.+ Pagkatapos ay umahon ang bayan patungo sa loob ng lunsod, bawat isa ay deretso sa harapan niya, at binihag ang lunsod.
-