6 Kaya sinabi ni Abram kay Sarai:+ “Narito! Ang iyong alilang babae ay nasa iyong kapamahalaan. Gawin mo sa kaniya kung ano ang mabuti sa iyong paningin.”+ Nang magkagayon ay pinasimulan itong hiyain ni Sarai kung kaya tumakas ito mula sa kaniya.+
15 Ngunit sinabi ng mga anak ni Israel kay Jehova: “Nagkasala kami.+ Gawin mo sa amin ang ayon sa anumang mabuti sa iyong paningin.+ Iligtas mo lamang kami, pakisuyo, sa araw na ito.”+
14 Kaya sinabi ni David kay Gad: “Lubha itong nakapipighati sa akin. Mahulog nawa kami, pakisuyo, sa kamay ni Jehova,+ sapagkat marami ang kaniyang kaawaan;+ ngunit sa kamay ng tao ay huwag nawa akong mahulog.”+