Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang magkagayon ay kinuha ni Sarai, na asawa ni Abram, si Hagar, na kaniyang alilang babaing Ehipsiyo, sa pagwawakas ng sampung taon ng pananahanan ni Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay ito kay Abram na kaniyang asawa bilang asawa niya.+

  • Exodo 21:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kung siya ay di-kalugud-lugod sa paningin ng kaniyang panginoon anupat hindi siya italaga nito bilang kaniyang babae+ kundi ipinatutubos siya, hindi ito bibigyang-karapatan na ipagbili siya sa mga taong banyaga dahil sa may-kataksilang pakikitungo nito sa kaniya.

  • 2 Samuel 5:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Samantala, si David ay kumuha pa ng mga babae+ at mga asawa+ mula sa Jerusalem pagkagaling niya sa Hebron; at marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae ang ipinanganak kay David.

  • 2 Cronica 11:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At higit na inibig ni Rehoboam si Maaca na apo ni Absalom kaysa sa lahat ng iba pang asawa+ niya at mga babae niya; sapagkat kumuha siya ng labingwalong asawa, gayundin ng animnapung babae, kung kaya siya ay nagkaanak ng dalawampu’t walong lalaki at animnapung babae.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share