Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At bababa ako+ at makikipag-usap sa iyo roon;+ at kukunin ko ang ilang bahagi ng espiritu+ na sumasaiyo at ilalagay ko iyon sa kanila, at tutulungan ka nila sa pagdadala ng pasan ng bayan upang huwag mong dalhin iyon, na ikaw lamang mag-isa.+

  • Hukom 6:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 At ang espiritu ni Jehova+ ay bumalot kay Gideon anupat hinipan niya ang tambuli,+ at ang mga Abi-ezrita+ ay napisan sa kaniya.

  • Hukom 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ang espiritu ni Jehova ngayon ay suma kay Jepte,+ at dumaan siya sa Gilead at sa Manases at dumaan siya sa Mizpe ng Gilead,+ at mula sa Mizpe ng Gilead ay nagdaan siya patungo sa mga anak ni Ammon.

  • Hukom 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang magkagayon ay kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ anupat niluray niya ito, gaya ng pagluray sa isang batang kambing na lalaki, at walang anumang bagay ang nasa kaniyang kamay. At hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang ginawa niya.

  • Hukom 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Siya, sa ganang kaniya, ay pumaroon hanggang sa Lehi, at ang mga Filisteo, sa ganang kanila, ay sumigaw nang may pagbubunyi sa pagsalubong sa kaniya.+ At kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging gaya ng mga sinulid na lino na nasunog sa apoy,+ anupat ang mga pangaw sa kaniya ay natunaw mula sa kaniyang mga kamay.

  • 1 Samuel 11:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ang espiritu+ ng Diyos ay kumilos kay Saul pagkarinig niya ng mga salitang ito, at ang kaniyang galit ay lubhang nag-init.+

  • 1 Samuel 16:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sa gayon ay kinuha ni Samuel ang sungay ng langis+ at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid. At ang espiritu ni Jehova ay nagsimulang kumilos kay David magmula nang araw na iyon.+ Sa kalaunan ay bumangon si Samuel at pumaroon sa Rama.+

  • 2 Cronica 15:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At kay Azarias na anak ni Oded,+ ang espiritu+ ng Diyos ay sumakaniya.

  • Isaias 63:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang isa ay nagsimulang makaalaala sa mga araw noong sinaunang panahon, si Moises na kaniyang lingkod: “Nasaan ang Isa na nag-ahon sa kanila mula sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kaniyang kawan?+ Nasaan ang Isa na naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share