20 Sa gayon ay natawagan+ si Saul at ang buong bayang kasama niya. Kaya pumaroon sila hanggang sa pagbabaka, at doon ang tabak ng bawat isa ay naging laban sa kaniyang kapuwa;+ ang pagkakawatak-watak ay napakatindi.
23 At ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay tumayo laban sa mga tumatahan sa mga bulubunduking pook ng Seir+ upang italaga sila sa pagkapuksa at lipulin sila; at nang matapos sila sa mga tumatahan sa Seir, nagkatulungan ang bawat isa sa kanila na lipulin ang kaniyang kapuwa.+
2 “At uudyukan ko ang mga Ehipsiyo laban sa mga Ehipsiyo, at tiyak na makikipagdigma sila bawat isa laban sa kaniyang kapatid, at bawat isa laban sa kaniyang kasama, lunsod laban sa lunsod, kaharian laban sa kaharian.+
21 “ ‘At tatawag ako ng isang tabak laban sa kaniya sa aking buong bulubunduking pook,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.+ ‘Magiging laban sa kaniyang sariling kapatid ang tabak ng bawat isa.+
13 “At mangyayari sa araw na iyon na ang kalituhan mula kay Jehova ay lalaganap sa gitna nila; + at susunggaban nga nila, ng bawat isa ang kamay ng kaniyang kasamahan, at ang kaniyang kamay ay itataas nga laban sa kamay ng kaniyang kasamahan.