22 Kung tungkol kay Hana, hindi siya umahon,+ sapagkat sinabi niya sa kaniyang asawa: “Kapag naawat na sa suso+ ang bata ay dadalhin ko siya, at magpapakita siya sa harap ni Jehova at mananahanan doon hanggang sa panahong walang takda.”+
24 At nang sandaling maawat niya siya sa suso ay iniahon niya siya, kasama ang isang tatlong-taóng-gulang na toro at isang epa ng harina at isang malaking banga ng alak,+ at pumasok siya sa bahay ni Jehova sa Shilo.+ At ang bata ay kasama niya.