Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 13:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 (mula sa sanga ng Nilo na nasa tapat ng Ehipto at hanggang sa hanggahan ng Ekron sa gawing hilaga,+ iyon ay dating ibinibilang na pag-aari ng mga Canaanita);+ limang panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo, mga Gazita+ at mga Asdodita,+ mga Askelonita,+ mga Giteo+ at mga Ekronita;+ at ang mga Avim.+

  • Hukom 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang limang panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo,+ at ang lahat ng mga Canaanita,+ maging ang mga Sidonio+ at ang mga Hivita+ na nananahanan sa Bundok Lebanon+ mula sa Bundok Baal-hermon+ hanggang sa pagpasok sa Hamat.+

  • Hukom 16:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At ang mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo ay pumaroon sa kaniya at nagsabi sa kaniya: “Linlangin+ mo siya at tingnan mo kung nasaan ang kaniyang pambihirang lakas at kung sa anong paraan kami makapananaig sa kaniya at kung ano ang maipantatali namin sa kaniya upang magapi siya; at kami naman ay magbibigay sa iyo ng isang libo isang daang pirasong pilak bawat isa.”+

  • Hukom 16:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 At sinabi ni Samson: “Mamatay nawa ang aking kaluluwa+ kasama ng mga Filisteo.” Pagkatapos ay inubos niya ang kaniyang buong lakas, at ang bahay ay bumagsak sa mga panginoon ng alyansa at sa buong bayan na nasa loob niyaon,+ anupat ang mga namatay na pinatay niya sa kaniyang sariling kamatayan ay mas marami kaysa roon sa mga pinatay niya noong siya ay nabubuhay.+

  • 1 Samuel 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sa gayon ay nagsugo sila at tinipon sa kanila ang lahat ng panginoon ng alyansa ng mga Filisteo at sinabi: “Ano ang gagawin natin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Nang dakong huli ay sinabi nila: “Ilibot patungo sa Gat+ ang kaban ng Diyos ng Israel.” Kaya dinala nila roon ang kaban ng Diyos ng Israel.

  • 1 Samuel 6:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dahil dito ay sinabi nila: “Ano ang handog ukol sa pagkakasala na dapat naming ibigay sa kaniya?” At sinabi nila: “Ayon sa bilang ng mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo, limang ginintuang almoranas at limang ginintuang herboa, sapagkat ang bawat isa sa inyo at sa inyong mga panginoon ng alyansa ay may magkakatulad na salot.

  • 1 Samuel 29:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At ang mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo ay dumaraan nang daan-daan at libu-libo, at si David at ang kaniyang mga tauhan ay dumaraan sa hulihan kasama ni Akis.+

  • 1 Cronica 12:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At may ilan sa Manases na tumakas patungo sa panig ni David nang dumating siyang kasama ng mga Filisteo+ laban kay Saul upang makipagbaka; ngunit hindi niya sila tinulungan, sapagkat dahil sa payo ay pinayaon siya ng mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo, na sinasabi: “Tatakas siya patungo sa panig ng kaniyang panginoong si Saul sa ikasasapanganib ng ating sariling mga ulo.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share