-
1 Samuel 17:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 At ang mga lalaki ng Israel ay nagsabi: “Nakita ba ninyo ang lalaking ito na umaahon? Sapagkat umaahon siya upang tuyain+ ang Israel. At mangyayari nga na ang lalaking makapagpapabagsak sa kaniya ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan, at ang sarili niyang anak na babae ay ibibigay niya sa kaniya,+ at ang sambahayan ng kaniyang ama ay palalayain niya sa Israel.”+
-
-
1 Samuel 18:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Sa gayon ay bumangon si David at siya at ang kaniyang mga tauhan ay yumaon at nagpabagsak+ sa mga Filisteo ng dalawang daang lalaki, at dinala ni David ang kanilang mga dulong-balat+ at ibinigay niya sa hari ang hustong bilang ng mga iyon, upang makipag-alyansa sa hari ukol sa pag-aasawa. Ibinigay naman ni Saul sa kaniya si Mical na kaniyang anak bilang asawa.+
-