31 Sapagkat sa lahat ng mga araw na buháy ang anak ni Jesse sa ibabaw ng lupa, ikaw at ang iyong pagkahari ay hindi matatatag nang matibay.+ Kaya ngayon ay magsugo ka at dalhin mo siya sa akin, sapagkat siya ay nakatalaga sa kamatayan.”+
20 At ngayon, narito! nalalaman kong lubos na ikaw ay walang pagsalang mamamahala bilang hari,+ at na sa iyong kamay ay tiyak na mamamalagi ang kaharian ng Israel.