-
1 Samuel 20:42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
42 At sinabi ni Jonatan kay David: “Yumaon kang payapa,+ yamang tayo ay sumumpa,+ tayong dalawa, sa pangalan ni Jehova, na sinasabi, ‘Si Jehova nawa ang mamagitan sa akin at sa iyo at sa aking supling at sa iyong supling hanggang sa panahong walang takda.’ ”+
Sa gayon ay tumindig si David at yumaon, at si Jonatan naman ay pumasok sa lunsod.
-
-
1 Samuel 22:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sapagkat nakipagsabuwatan kayo, kayong lahat, laban sa akin; at walang sinuman ang nagbubunyag niyaon sa aking pandinig+ nang ang aking sariling anak ay makipagtipan+ sa anak ni Jesse, at walang sinuman sa inyo ang nakikiramay sa akin at nagbubunyag sa aking pandinig na ibinangon ng aking sariling anak ang aking sariling lingkod laban sa akin bilang mananambang gaya ng sa araw na ito.”
-