Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 27:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At tatayo siya sa harap ni Eleazar na saserdote, at sasangguni+ siya para sa kaniya ayon sa hatol ng Urim+ sa harap ni Jehova. Sa kaniyang utos ay lalabas sila at sa kaniyang utos ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya at ang buong kapulungan.”

  • Hukom 18:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya: “Pakisuyo, sumangguni+ ka sa Diyos+ upang malaman namin kung magiging matagumpay ang aming lakad na paroroonan namin.”

  • Hukom 20:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At si Pinehas+ na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay nakatayo sa harap niyaon nang mga araw na iyon,+ na sinasabi: “Lalabas pa ba akong muli sa pakikipagbaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid o ititigil ko na?”+ Dito ay sinabi ni Jehova: “Umahon ka, sapagkat bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay.”+

  • 1 Samuel 23:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At sumangguni+ si David kay Jehova, na sinasabi: “Yayaon ba ako, at pababagsakin ko ba ang mga Filisteong ito?” Sinabi naman ni Jehova kay David: “Yumaon ka, at pabagsakin mo ang mga Filisteo at iligtas mo ang Keila.”

  • 1 Samuel 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Isusuko ba ako ng mga may-ari ng lupain sa Keila sa kaniyang kamay? Lulusong ba si Saul gaya ng narinig ng iyong lingkod? O Jehova na Diyos ng Israel, sabihin mo sa iyong lingkod, pakisuyo.” At sinabi ni Jehova: “Lulusong siya.”+

  • 1 Samuel 28:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Bagaman sumasangguni si Saul kay Jehova,+ hindi siya sinasagot ni Jehova,+ kahit sa mga panaginip+ man o sa Urim+ o sa pamamagitan ng mga propeta.+

  • Kawikaan 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso+ at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share