Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Huwag kang tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag ng mga taong malinaw ang paningin at makapipilipit ng mga salita ng mga taong matuwid.+

  • Deuteronomio 16:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag mong babaluktutin ang kahatulan.+ Huwag kang magtatangi+ o tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag sa mga mata ng marurunong+ at pumipilipit sa mga salita ng mga matuwid.

  • Awit 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang kaniyang salapi ay hindi niya ibinibigay na may patubo,+

      At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang-sala.+

      Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman makikilos.+

  • Awit 26:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Na sa kanilang mga kamay ay may mahalay na paggawi,+

      At ang kanilang kanang kamay ay punô ng panunuhol.+

  • Kawikaan 29:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa pamamagitan ng katarungan ay napananatili ng hari ang lupain,+ ngunit ginigiba iyon ng taong humihingi ng mga suhol.+

  • Isaias 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ang iyong mga prinsipe ay sutil at mga kasamahan ng mga magnanakaw.+ Ang bawat isa sa kanila ay maibigin sa suhol+ at humahabol sa mga kaloob.+ Para sa batang lalaking walang ama ay hindi sila naggagawad ng kahatulan; at maging ang usapin sa batas ng babaing balo ay hindi nila tinatanggap.+

  • Isaias 33:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “May isa na lumalakad sa namamalaging katuwiran+ at nagsasalita ng bagay na matuwid,+ na nagtatakwil ng di-tapat na pakinabang na galing sa mga pandaraya,+ na nagpapagpag ng kaniyang mga kamay sa pagkuha ng suhol,+ na nagtatakip ng kaniyang tainga sa pakikinig sa pagbububo ng dugo, at nagpipikit ng kaniyang mga mata upang hindi makakita ng kasamaan.+

  • Mikas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang kaniyang mga pangulo ay humahatol dahil lamang sa suhol,+ at ang kaniyang mga saserdote ay nagtuturo kapalit lamang ng isang halaga,+ at ang kaniyang mga propeta ay nanghuhula dahil lamang sa salapi;+ gayunma’y patuloy silang sumasandig kay Jehova, na sinasabi: “Hindi ba si Jehova ay nasa gitna natin?+ Walang kapahamakang darating sa atin.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share