Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa gayon ay pumaroon sa Gilgal ang buong bayan, at doon ay ginawa nilang hari si Saul sa harap ni Jehova sa Gilgal. Pagkatapos ay naghandog sila ng mga haing pansalu-salo doon sa harap ni Jehova,+ at doon ay patuloy na nagsaya nang lubha si Saul at ang lahat ng mga lalaki ng Israel.+

  • 1 Samuel 13:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dahil dito ay sinabi ni Samuel kay Saul: “Ikaw ay kumilos nang may kamangmangan.+ Hindi mo tinupad ang utos+ ni Jehova na iyong Diyos na iniutos niya sa iyo,+ sapagkat, kung ginawa mo, patatatagin sana ni Jehova ang iyong kaharian sa Israel hanggang sa panahong walang takda.

  • 1 Samuel 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Ngunit sinabi ni Samuel kay Saul: “Hindi ako babalik na kasama mo, sapagkat itinakwil mo ang salita ni Jehova, at itinatakwil ka ni Jehova mula sa pananatiling hari sa Israel.”+

  • 1 Samuel 16:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At nangyari nga na kapag sumasa kay Saul ang espiritu ng Diyos, kinukuha ni David ang alpa at tumutugtog sa pamamagitan ng kaniyang kamay; at may kaginhawahan para kay Saul at bumubuti siya, at ang masamang espiritu ay lumilisan sa kaniya.+

  • 1 Samuel 28:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Nang dakong huli ay sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod: “Ihanap ninyo ako ng isang babae na dalubhasang espiritista,+ at paroroon ako sa kaniya at sasangguni sa kaniya.” Nang magkagayon ay sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod: “Narito! May isang babae na dalubhasang espiritista sa En-dor.”+

  • 1 Samuel 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kaya sinabi ni Saul sa kaniyang tagapagdala ng baluti: “Hugutin mo ang iyong tabak+ at iulos mo iyan sa akin, upang itong mga lalaking di-tuli+ ay hindi dumating at ulusin nga ako at pahirapan ako.” At ayaw+ ng kaniyang tagapagdala ng baluti, sapagkat lubha siyang natatakot. Kaya kinuha ni Saul ang tabak at nagpatibuwal doon.+

  • 2 Samuel 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Si Saul at si Jonatan,+ ang mga kaibig-ibig at ang mga kaiga-igaya noong sila ay nabubuhay,

      At sa kanilang kamatayan ay hindi sila nagkahiwalay.+

      Mas matutulin sila kaysa sa mga agila,+

      Mas malalakas sila kaysa sa mga leon.+

  • Gawa 13:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ngunit mula noon ay mapilit silang humingi ng isang hari,+ at ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Kis, isang lalaking mula sa tribo ni Benjamin,+ sa loob ng apatnapung taon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share