2 At tiyak na pababayaan sila sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at tatalunin mo sila.+ Walang pagsalang itatalaga mo sila sa pagkapuksa.+ Huwag kang makikipagtipan sa kanila ni magpapakita ka man sa kanila ng anumang lingap.+
16 At uubusin mo ang lahat ng mga bayan na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ Ang iyong mata ay huwag maaawa sa kanila;+ at huwag mong paglilingkuran ang kanilang mga diyos,+ sapagkat iyon ay magiging silo sa iyo.+