31 At pagkatapos niya ay si Samgar+ na anak ni Anat, at pinabagsak niya ang mga Filisteo,+ anim na raang lalaki, sa pamamagitan ng isang tungkod na pantaboy ng baka; at iniligtas din niya ang Israel.+
15 At nakasumpong siya ng sariwang panga ng lalaking asno at iniunat niya ang kaniyang kamay at kinuha iyon at pinabagsak ang isang libong lalaki sa pamamagitan niyaon.+
22 At nangyari nga, nang araw ng pagbabaka ay walang isa mang tabak+ o sibat ang masumpungan sa kamay ng sinuman sa bayan na kasama ni Saul at ni Jonatan; ngunit may masusumpungang isa kay Saul+ at kay Jonatan na kaniyang anak.
47 At malalaman ng buong kongregasyong ito na hindi sa pamamagitan ng tabak ni sa pamamagitan man ng sibat nagliligtas si Jehova,+ sapagkat kay Jehova ang pagbabaka,+ at ibibigay niya kayo sa aming kamay.”+