Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ngunit sinabi sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina: “Wala bang babae sa gitna ng mga anak na babae ng iyong mga kapatid at sa gitna ng aking buong bayan,+ kung kaya yayaon ka upang kumuha ng asawa mula sa mga di-tuling Filisteo?”+ Gayunma’y sinabi ni Samson sa kaniyang ama: “Siya lamang ang kunin mo para sa akin, sapagkat siya lamang ang marapat sa aking paningin.”

  • 1 Samuel 17:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At sinabi ni David sa mga lalaki na nakatayong malapit sa kaniya: “Ano ang gagawin sa lalaking makapagpapabagsak sa Filisteong+ iyon na naroroon at makapag-aalis nga ng kadustaan sa Israel?+ Sapagkat sino ang di-tuling+ Filisteong ito upang tuyain+ niya ang mga hukbo ng Diyos na buháy?”+

  • 1 Samuel 17:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Kapuwa ang leon at ang oso ay pinabagsak ng iyong lingkod; at ang di-tuling Filisteong+ ito ay magiging tulad ng isa sa mga iyon, sapagkat tinuya+ niya ang mga hukbo+ ng Diyos na buháy.”+

  • 1 Samuel 21:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang mga lingkod ni Akis ay nagsimulang magsabi sa kaniya: “Hindi ba ito si David na hari+ sa lupain? Hindi ba sa isang ito sila patuloy na tumutugon na may mga sayaw,+ na sinasabi,

      ‘Si Saul ay nagpabagsak ng kaniyang libu-libo,

      At si David ay ng kaniyang sampu-sampung libo’?”+

  • 2 Samuel 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Huwag ninyo itong sabihin sa Gat;+

      Huwag ninyo itong ipatalastas sa mga lansangan ng Askelon,+

      Dahil baka magsaya ang mga anak na babae ng mga Filisteo,

      Dahil baka magbunyi ang mga anak na babae ng mga lalaking di-tuli.+

  • 2 Samuel 3:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Isa pa, nagsugo si David ng mga mensahero kay Is-boset,+ na anak ni Saul, na sinasabi: “Ibigay mo ang asawa kong si Mical, na ipinakipagtipan ko sa akin kapalit ng isang daang dulong-balat+ ng mga Filisteo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share