-
1 Samuel 20:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Ngunit bilang karagdagan ay sumumpa+ si David at nagsabi: “Tiyak na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin,+ at sasabihin niya, ‘Huwag itong ipaalam kay Jonatan dahil baka masaktan siya.’ Ngunit, ang totoo, buháy si Jehova+ at buháy ang iyong kaluluwa,+ isang hakbang na lamang ang namamagitan sa akin at sa kamatayan!”+
-
-
1 Samuel 25:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 At ngayon, panginoon ko, buháy si Jehova+ at buháy ang iyong kaluluwa,+ pinigilan ka ni Jehova+ sa pagpasok sa pagkakasala sa dugo+ at sa paggamit ng iyong sariling kamay para sa iyong kaligtasan.+ At ngayon ay maging gaya nawa ni Nabal ang iyong mga kaaway at yaong mga naghahangad ng ikapipinsala ng aking panginoon.+
-
-
2 Samuel 14:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At sinabi ng hari: “Ang kamay ba ni Joab+ ay sumasaiyo sa lahat ng ito?”+ Nang magkagayon ay sumagot ang babae at nagsabi: “Buháy ang iyong kaluluwa,+ O panginoon kong hari, walang sinumang tao ang makaliliko sa kanan o makaliliko sa kaliwa mula sa lahat ng sinalita ng panginoon kong hari; sapagkat ang iyong lingkod nga na si Joab ang nag-utos sa akin, at siya nga ang naglagay sa bibig ng iyong alilang babae ng lahat ng mga salitang ito.+
-