2 Si Sara nga ay namatay sa Kiriat-arba,+ na siyang Hebron,+ sa lupain ng Canaan,+ at si Abraham ay pumaroon upang hagulhulan si Sara at upang tangisan siya.
22 Nang umahon sila sa Negeb,+ sila ay dumating sa Hebron.+ At si Ahiman, si Sesai at si Talmai,+ yaong mga ipinanganak kay Anak,+ ay naroroon. At ang Hebron+ ay naitayo na nang pitong taon bago ang Zoan+ ng Ehipto.
14 Kaya naman ang Hebron ay naging pag-aari ni Caleb na anak ni Jepune na Kenizita bilang mana hanggang sa araw na ito, sa dahilang sumunod siya nang lubusan kay Jehova na Diyos ng Israel.+
7 Sa gayon ay binigyan nila ng sagradong katayuan ang Kedes+ sa Galilea sa bulubunduking pook ng Neptali, at ang Sikem+ sa bulubunduking pook ng Efraim, at ang Kiriat-arba,+ na siyang Hebron, sa bulubunduking pook ng Juda.
11 Sa gayon ay ibinigay nila sa kanila ang Kiriat-arba+ (ang nasabing Arba ay ama ni Anak),+ na siyang Hebron,+ sa bulubunduking pook ng Juda,+ at ang pastulan niyaon sa buong palibot nito;
11 At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apatnapung taon.+ Sa Hebron+ ay naghari siya nang pitong taon,+ at sa Jerusalem ay naghari siya nang tatlumpu’t tatlong taon.+