8 At sinabi niya sa kanila: “Bumalik kayo sa inyong mga tolda taglay ang maraming kayamanan at ang napakaraming alagang hayop, ang pilak at ginto at tanso at bakal at mga kasuutan na pagkarami-rami.+ Kunin ninyo ang inyong bahagi sa samsam+ mula sa inyong mga kaaway kasama ng inyong mga kapatid.”
20 Kaya kinuha ni David ang lahat ng mga kawan at mga bakahan, na dinala nila sa unahan ng iba pang mga alagang hayop. Pagkatapos ay sinabi nila: “Ito ang samsam+ ni David.”
22 At narito, ang mga lingkod ni David at si Joab ay dumarating mula sa isang paglusob, at ang samsam+ na dinala nila ay marami. Kung tungkol kay Abner, hindi siya kasama ni David sa Hebron, sapagkat pinayaon siya nito, at humayo siyang payapa.