5 At ang hari ay nag-utos kay Joab at kay Abisai at kay Ittai, na sinasabi: “Pakitunguhan ninyo nang banayad+ alang-alang sa akin ang kabataang si Absalom.” At narinig ng buong bayan nang mag-utos ang hari sa lahat ng mga pinuno tungkol kay Absalom.
14 At sinabi ni Joab: “Hindi ako magpipigil nang ganito sa harap mo!” Kaya kumuha siya ng tatlong tagdan sa kaniyang palad at itinarak+ ang mga iyon sa puso ni Absalom habang buháy pa ito sa gitna+ ng malaking punungkahoy.