17 At ngayon ay pagpaumanhinan ninyo,+ pakisuyo, ang aking kasalanan nang minsan pa at mamanhik+ kayo kay Jehova na inyong Diyos upang alisin niya kahit man lamang itong nakamamatay na salot mula sa akin.”
7 Sa wakas ay pumaroon ang bayan kay Moises at sinabi: “Kami ay nagkasala,+ sapagkat nagsalita kami laban kay Jehova at laban sa iyo. Mamagitan ka kay Jehova upang alisin niya sa amin ang mga serpiyente.”+ At namagitan si Moises alang-alang sa bayan.+
3 At isinugo ni Haring Zedekias si Jehucal+ na anak ni Selemias at si Zefanias+ na anak ni Maaseias+ na saserdote kay Jeremias na propeta, na sinasabi: “Pakisuyo, manalangin ka para sa amin kay Jehova na ating Diyos.”+
16 Kaya nga hayagang ipagtapat+ ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo ay mapagaling.+ Ang pagsusumamo ng taong matuwid, kapag ito ay gumagana, ay may malakas na puwersa.+