Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sila, sa ganang kanila, ay pumukaw sa akin sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi naman diyos;+

      Niligalig nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo;+

      At ako, sa ganang akin, ay pupukaw sa kanila sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bayan;+

      Sa pamamagitan ng isang hangal na bansa ay gagalitin ko sila.+

  • 1 Samuel 12:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At huwag kayong lilihis upang sumunod sa mga kabulaanan+ na walang kapakinabangan+ at hindi makapagligtas, sapagkat ang mga iyon ay mga kabulaanan.

  • 2 Hari 17:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at patuloy nilang itinakwil ang kaniyang mga tuntunin at ang kaniyang tipan+ na ipinakipagtipan niya sa kanilang mga ninuno at ang kaniyang mga paalaala+ na ibinabala niya sa kanila, at sila ay sumunod sa mga walang-kabuluhang idolo+ at naging mga walang kabuluhan+ din, maging sa pagtulad sa mga bansang nasa buong palibot nila, na tungkol sa kanila ay inutusan sila ni Jehova na huwag gumawang tulad ng mga iyon;+

  • Isaias 41:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Narito! Silang lahat ay bagay na di-umiiral. Ang kanilang mga gawa ay walang anuman. Ang kanilang mga binubong imahen ay hangin at kabulaanan.+

  • Jeremias 10:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang bawat tao ay gumagawi nang lubhang di-makatuwiran anupat walang nalalaman.+ Ang bawat platero ay tiyak na mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+ sapagkat ang kaniyang binubong imahen ay kabulaanan,+ at walang espiritu sa kanila.+

  • Gawa 14:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at nagsasabi: “Mga lalaki, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami rin ay mga tao+ na may mga kahinaang+ katulad ng sa inyo, at nagpapahayag sa inyo ng mabuting balita, upang bumaling kayo mula sa walang-kabuluhang+ mga bagay na ito tungo sa Diyos na buháy,+ na siyang gumawa ng langit+ at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga iyon.

  • Roma 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 at ang kaluwalhatian+ ng Diyos na walang kasiraan ay ginawa nilang isang bagay na tulad ng larawan+ ng taong may kasiraan at ng mga ibon at mga nilalang na may apat na paa at mga gumagapang na bagay.+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+

  • 1 Corinto 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ano, kung gayon, ang sasabihin ko? Na yaong inihahain sa idolo ay may anumang kabuluhan, o na ang isang idolo ay may anumang kabuluhan?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share