-
Josue 6:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Nang magkagayon ay ipinabigkas ni Josue ang isang sumpa nang mismong panahong iyon, na nagsasabi: “Sumpain nawa ang tao sa harap ni Jehova na titindig at magtatayo ng lunsod na ito, ng Jerico nga. Sa pagkamatay ng kaniyang panganay ay ilatag niya ang pundasyon nito, at sa pagkamatay ng kaniyang bunso ay ilagay niya ang mga pinto nito.”+
-
-
Josue 23:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 “At narito! yayaon ako ngayon sa lakad ng buong lupa,+ at nalalaman ninyong lubos ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa na walang isa mang salita sa lahat ng mabubuting salita na sinalita sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ang nabigo. Ang mga iyon ay nagkatotoong lahat para sa inyo. Walang isa mang salita sa mga iyon ang nabigo.+
-
-
Zacarias 1:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Gayunman, kung tungkol sa aking mga salita at sa aking mga tuntunin na iniutos ko sa aking mga lingkod, na mga propeta, + hindi ba inabutan ng mga iyon ang inyong mga ama?’ + Kaya nanumbalik sila at nagsabi: ‘Ayon sa inisip ni Jehova ng mga hukbo na gawin sa amin, + ayon sa aming mga lakad at ayon sa aming mga pakikitungo, ganiyan ang ginawa niya sa amin.’ ” +
-