Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 17:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang malaking banga ng harina ay hindi naubusan, at ang maliit na banga ng langis ay hindi kinapos,+ ayon sa salita ni Jehova na sinalita niya sa pamamagitan ni Elias.

  • 1 Hari 17:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sa wakas ay nakinig si Jehova sa tinig+ ni Elias, anupat ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya at siya ay nabuhay.+

  • 1 Hari 18:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 At nangyari, nang oras+ na iniaahon ang handog na mga butil, si Elias na propeta ay nagsimulang lumapit at magsabi: “O Jehova, na Diyos ni Abraham,+ ni Isaac+ at ni Israel,+ ngayon ay ipakilala mo na ikaw ay Diyos sa Israel+ at ako ang iyong lingkod at na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito sa pamamagitan ng iyong salita.+

  • 1 Hari 18:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 At ang mismong kamay ni Jehova ay suma kay Elias,+ anupat binigkisan niya ang kaniyang mga balakang+ at tumakbo nang una pa kay Ahab hanggang sa Jezreel.+

  • 2 Hari 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Nang magkagayon ay kinuha ni Elias ang kaniyang opisyal na kasuutan+ at tiniklop iyon at hinampas ang tubig, at unti-unting nahati iyon patungo rito at patungo roon, kaya tumawid silang dalawa sa tuyong lupa.+

  • 2 Hari 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At nangyari, habang naglalakad sila, na nag-uusap habang sila ay naglalakad, aba, narito! isang maapoy na karong pandigma+ at maaapoy na kabayo, at silang dalawa ay pinaghiwalay ng mga iyon; at si Elias ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng buhawi.+

  • 2 Cronica 21:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Nang dakong huli ay may dumating na sulat+ sa kaniya mula kay Elias+ na propeta, na nagsasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ni David na iyong ninuno, ‘Sa dahilang hindi ka lumakad sa mga daan ni Jehosapat+ na iyong ama o sa mga daan ni Asa+ na hari ng Juda,

  • Lucas 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Gayundin, siya ay mauuna sa kaniya taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias,+ upang ipanumbalik ang mga puso+ ng mga ama sa mga anak at ang mga masuwayin tungo sa praktikal na karunungan ng mga matuwid, upang ihanda para kay Jehova+ ang isang nakahandang bayan.”+

  • Juan 1:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At tinanong nila siya: “Ano, kung gayon? Ikaw ba si Elias?”+ At sinabi niya: “Hindi ako.” “Ikaw ba Ang Propeta?”+ At sumagot siya: “Hindi!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share