33 “‘At huwag ninyong durumhan ang lupain na kinaroroonan ninyo; sapagkat dugo ang nagpaparumi sa lupain,+ at para sa lupain ay walang pagbabayad-sala may kinalaman sa dugo na naibubo roon maliban sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo nito.+
28 Nang marinig ito ni David nang dakong huli, kaagad niyang sinabi: “Ako at ang aking kaharian, sa pangmalas ni Jehova, ay walang-sala hanggang sa panahong walang takda mula sa pagkakasala sa dugo+ dahil kay Abner na anak ni Ner.
30 Kung tungkol kay Joab at kay Abisai+ na kaniyang kapatid, pinatay nila si Abner+ sa dahilang pinatay nito si Asahel na kanilang kapatid sa pagbabaka sa Gibeon.+
31 Nang magkagayon ay sinabi ng hari sa kaniya: “Gawin mo ang gaya ng sinalita niya at daluhungin mo siya; at ilibing mo siya at alisin mo mula sa akin at mula sa sambahayan ng aking ama ang dugong+ di-dapat ibinubo ni Joab.+