-
Exodo 20:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi, doon sa mga napopoot sa akin;+
-
-
Josue 24:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At kung masama sa inyong paningin ang maglingkod kay Jehova, piliin ninyo ngayon para sa inyong sarili kung sino ang paglilingkuran ninyo,+ kung ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa kabilang ibayo ng Ilog+ o ang mga diyos ng mga Amorita na sa kanilang lupain ay nananahanan kayo.+ Ngunit kung para sa akin at sa aking sambahayan, maglilingkod kami kay Jehova.”+
-
-
1 Samuel 7:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At sinabi ni Samuel sa buong sambahayan ng Israel: “Kung buong puso kayong manunumbalik kay Jehova,+ alisin ninyo ang mga banyagang diyos sa gitna ninyo+ at gayundin ang mga imahen ni Astoret,+ at ituon ninyo nang walang maliw ang inyong puso kay Jehova at siya lamang ang inyong paglingkuran,+ at ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”+
-