16 Kaya ang lumalapastangan sa pangalan ni Jehova ay papatayin nang walang pagsala.+ Siya ay walang pagsalang pupukulin ng mga bato ng buong kapulungan. Ang naninirahang dayuhan gaya rin ng katutubo ay papatayin dahil sa paglapastangan niya sa Pangalan.+
65 Nang magkagayon ay hinapak ng mataas na saserdote ang kaniyang mga panlabas na kasuutan, na sinasabi: “Siya ay namusong!+ Ano’t nangangailangan pa tayo ng mga saksi?+ Tingnan ninyo! Ngayon ay narinig ninyo ang pamumusong.+
5 At sinabi ni Pablo: “Mga kapatid, hindi ko alam na siya ay mataas na saserdote. Sapagkat nasusulat, ‘Huwag kang magsasalita nang nakapipinsala sa isang tagapamahala ng iyong bayan.’ ”+