Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Nang magkagayon ay kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin at inihandog iyon bilang handog na sinusunog, isang buong handog,+ kay Jehova; at si Samuel ay nagsimulang humingi ng saklolo kay Jehova alang-alang sa Israel,+ at sinagot siya ni Jehova.+

  • 1 Samuel 10:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At bababa ka nang una sa akin sa Gilgal;+ at, narito! bababa ako sa iyo upang maghandog ng mga haing sinusunog, upang mag-ukol ng mga haing pansalu-salo.+ Pitong+ araw kang maghihintay hanggang sa makarating ako sa iyo, at ipaaalam ko nga sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”

  • 1 Hari 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ang matataas na dako+ ay hindi niya inalis.+ Gayunpaman, ang puso ni Asa ay naging sakdal kay Jehova sa lahat ng kaniyang mga araw.+

  • 1 Hari 22:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 At patuloy siyang lumakad sa lahat ng daan ni Asa na kaniyang ama. Hindi siya lumihis mula roon, sa paggawa ng tama sa paningin ni Jehova.+ Gayunma’y ang matataas na dako ay hindi nawala. Ang bayan ay naghahain pa rin at gumagawa ng haing usok sa matataas na dako.+

  • 1 Cronica 21:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Nang magkagayon ay nagtayo roon si David ng isang altar+ para kay Jehova at naghandog ng mga haing sinusunog at mga haing pansalu-salo, at tumawag siya kay Jehova,+ na ngayon ay sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng apoy+ mula sa langit sa ibabaw ng altar ng handog na sinusunog.

  • 2 Cronica 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang magkagayon, si Solomon at ang buong kongregasyon na kasama niya ay pumaroon sa mataas na dakong nasa Gibeon;+ sapagkat naroon ang tolda ng kapisanan+ ng tunay na Diyos, na ginawa ni Moises na lingkod+ ni Jehova sa ilang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share