Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 At kumuha kayo ng isang bigkis ng isopo+ at isawsaw ninyo iyon sa dugo na nasa palanggana at ipahid ninyo sa itaas na bahagi ng pintuan at sa dalawang poste ng pinto ang dugo na nasa palanggana; at walang sinuman sa inyo ang lalabas sa pasukan ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan.

  • Bilang 19:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At ang isang taong malinis+ ay kukuha ng isopo+ at isasawsaw iyon sa tubig at iwiwisik iyon sa tolda at sa lahat ng sisidlan at sa mga kaluluwa na naroroon at sa humipo ng buto o ng napatay o ng bangkay o ng dakong libingan.

  • Awit 51:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Dalisayin mo nawa ako mula sa kasalanan sa pamamagitan ng isopo, upang ako ay maging malinis;+

      Hugasan mo nawa ako, upang ako ay maging mas maputi pa sa niyebe.+

  • Hebreo 9:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sapagkat nang masabi na ni Moises sa buong bayan ang bawat utos ayon sa Kautusan,+ kinuha niya ang dugo ng mga guyang toro at ng mga kambing kasama ang tubig at iskarlatang balahibo ng tupa at isopo+ at winisikan ang mismong aklat at ang buong bayan,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share