16 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Jehova, at pakinggan mo.+ Idilat mo ang iyong mga mata,+ O Jehova, at tingnan mo, at pakinggan mo ang mga salita ni Senakerib na ipinasabi niya upang tuyain+ ang Diyos na buháy.
10 Sapagkat sino ang humamak sa araw ng maliliit na bagay? + At tiyak na magsasaya + sila at makikita nila ang hulog sa kamay ni Zerubabel. Ang pitong ito ay mga mata ni Jehova. + Ang mga ito ay nagpaparoo’t parito sa buong lupa.” +
12 Sapagkat ang mga mata+ ni Jehova ay nasa mga matuwid, at ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang pagsusumamo;+ ngunit ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masasamang bagay.”+