-
1 Samuel 26:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At ngayon, pakisuyo, pakinggan nawa ng panginoon kong hari ang mga salita ng kaniyang lingkod: Kung si Jehova ang nag-udyok sa iyo laban sa akin, makaamoy nawa siya ng handog na mga butil.+ Ngunit kung mga anak ng tao,+ sila ay isinumpa sa harap ni Jehova,+ sapagkat pinalayas nila ako ngayon upang hindi ko madamang kalakip ako sa mana ni Jehova,+ na sinasabi, ‘Yumaon ka, maglingkod ka sa ibang mga diyos!’+
-
-
1 Cronica 5:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Dahil dito ay pinukaw ng Diyos ng Israel ang espiritu+ ni Pul+ na hari ng Asirya+ maging ang espiritu ni Tilgat-pilneser+ na hari ng Asirya, kung kaya niya dinala sa pagkatapon+ yaong mula sa mga Rubenita at mula sa mga Gadita at mula sa kalahati ng tribo ni Manases at dinala sila sa Hala+ at Habor at Hara at sa ilog ng Gozan upang manatili hanggang sa araw na ito.
-